Una sa Balita

Dalubhasa hindi politiko ang italaga sa mga ahensya ng gobyerno — Jiggy Manicad

0 452

UMAASA si Jiggy Manicad na dadagsa ang boto para sa kanyang pagka-senador sa darating na eleksyon.

Sa panayam kay Manicad sa DZMM sa mga isyu sa agrikultura.

Pinuna ni Manicad ang problema ng mga polisiya ng mga ahensya ng gobyerno.
“Saan ka nakikita na agriculture country tayo pero nag-i-import tayo ng bigas, asukal, gulay at iba pa,” ani Manicad.

Nagtapos si Jiggy sa UP Los Baños, kung saan naroroon ang mga pangunahing pag-aaral sa teknolohiya ng bigas at pagsasaka.

“Nasa atin ang kaalaman nasa atin ang teknolohiya, kailangan lang maibaba sa magsasaka ang kaalaman na ito para mas mapakinabangan ang tamang produksyon,” dagdag nito.

Tinukoy din ni Jiggy na politika ang isa pangunahing problema ng bansa.
“Kailangan mga dalubhasa ang ilagay sa mga ahensya ng gobyerno, hindi politiko para talagang alam niya ang problema at kung papaano solusyunan ito,” hirit nito.

Tinanong din siya ukol sa blooper nito habang nagre-report pa siya at ang kanyang sagot ay “padadagsain ko na lang po ang boto.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy