Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Daliri ni Ronnie naligaw sa hiyas ni Loisa

0 203

Naloka ang mga netizen sa maling pagkakapuwesto ng mga daliri ni Ronnie Alonte sa kasintahang si Loisa Andalio.

Binigyan nga ng malisya ng mga netizen ang nakita nilang ito.

Nakaposte sa Instagram ni Ronnie ang larawan nila ni Loisa na may caption na ‘Gangstaa!’

Nakaupo si Ronnie at nakasandal naman sa tagiliran niya si Loisa.

Hindi sinabi kung kuha ito sa isang photo shoot o napagtripan lang ng dalawa na magpakuha ng larawan na parehong kulay ang kanilang suot.

Nakaakbay rin si Ronnie kay Loisa, pero awkward nga raw ang position ng mga daliri ng binata. Kung sisipatin parang nakapatong at nakaduro ang daliri ng aktor sa bulaklak ni Loisa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sumakto ang daliri ni Ronnie sa hiyas ni Loisa. Kaya pinuna agad ito ng mga netizen.

@rodelondagas, “huy yung kamay!”

@itzlesilee, “yung kamay hahahaha.”

Pero, mukhang hindi nagbabasa ng mga comment sina Loisa at Ronnie kaya hindi sila aware sa komento ng mga follower nila.

Kiray naawa sa delivery boy

Naantig ang damdamin ni Kiray sa isang delivery boy nang makita niya ito ng personal. Hindi napigilan ni Kiray ang maging emosyonal at mapaluha sa rider.

“Nagpa-deliver ako from Laguna to Manila. At nung nakita kita ng personal, naluha na lang ako. Sa halagang 300 pesos ganun kalayo biniyahe mo tapos yung top box sa motor ‘yung lalagyan sa likod, talagang tupperware lang ‘yung sayo, tapos may dala kang packing tape,” sabi ni Kiray.

Awa ang naramdaman ni Kiray sa delivery boy na bumiyahe para lang kumita ng kaunti. Sigurado ako dinagdagan ni Kiray ang bayad sa rider.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.