Una sa Balita

Dalhin n’yo na lang sa korte! — Koko, Chiz

By ,
0 3

Sa lahat ng kumukuwestyon sa legalidad ng idineklarang ‘state of lawless violence’ (SOLV) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang hamon ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ay dalhin na lang sa korte ang usapin at hayaang ang hudikatura ang magpasya kung ‘unconstitutional’ nga ba ito.

“The proclamation of the state of lawless violence is one of the powers given by the constitution to the President as the commander in chief,” ayon pa sa senador.

Pero kung sa tingin ng ilan na ito’y unconstitutional, maaari umano itong iakyat sa korte.
Maging si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero ay nagsabing, “Only the courts can reverse or modify it. So kung may nagkukuwestiyon, puwede silang dumulog sa Korte Suprema.”

Pero sa kanyang personal na opinyon, “Walang epekto ito sa civil liberties, walang epekto ito sa karapatan natin sa ilalim ng Bill of Rights. Walang epekto ito sa mga normal na buhay.”