Una sa Balita

Daldakinang mambabatas walang patawad sa dasal

By
0 16

Sumasakit ang tiyan sa katatawa ng ating amuyong­ sa pagkukuwento hinggil sa isang lady solon na wala na raw piniling oras sa kanyang kadaldalan.

Ang kuwento ng ating amuyong, sa lahat ng oras ay laging bumabangka sa kuwentuhan si ma’am at kapag dumaldal ay wala nang makakapigil sa kanya.

Aba, ang salaysay sa atin, kahit sa oras ng pagdarasal bago magsimula ang sesyon ay hindi raw nagpapapigil sa pagdaldal ng naturang Solon.

May isang insidente raw na hindi rin napigilang matawa ng kasamahan ni lady solon habang nagdarasal nang marinig ang ma­lakas na boses ni ma’am habang may kausap sa telepono sa gitna ng prayer.

Hindi raw ito unang beses na nag-iingay si ma’am sa oras ng prayer dahil kuwento rin ng isa pang amuyong, na muntik din daw ma-distract ang isa pang mambabatas sa pagdarasal nang marinig pa rin ang pagdadaldal ni Ma’am habang siya ay nagdarasal.

Si ma’am ay sadyang­ masayahin lamang daw talaga at paborito nito ang mga gulay at makukulay na prutas.

Wala itong paki sa political­ dynasty at may letrang R sa kanyang apelyido­ as in Row house.