Una sa Balita

Dalawang US destroyer bumaybay sa South China Sea

0 459

Naglayag ang dalawang warship ng Estados Unidos sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea nitong Lunes, isang hakbang na ikinairita ng Beijing.

Dumaan ang mga guided-missile destroyer USS Spruance at USS Preble sa layong 12 nautical miles mula sa Spratly Islands, pero depensa ng US Navy bahagi ito ng kanilang ‘freedom of navigation operation.’

Agad namang inakusahan ng China­ ang US ng trespassing sa kanilang teritoryo at nagbanta na nagpadala na sila ng missiles na kayang tamaan ang mga medium at malalaking barko.

“The US action violated the Chinese laws and international laws, infringed China’s sovereignty, damaged regional peace, security, and order,” diin ni ­Foreign Ministry spokesperson Lu Kang.