Una sa Balita

Dalawang bagets timbog sa Laguna buy-bust

By
0 1,241

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang tinedyer na lalaki matapos masakote sa akto na nagbebenta ng shabu sa isang police poseur buyer sa Barangay Batong Ma­lake, Los Baños, Laguna kahapon ng madaling-araw.

Hindi na nakapalag ang mga suspek na sina ‘Erick’, 18-anyos, at ‘Ivan’, 16-anyos, matapos arestuhin ng mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng Los Baños dakong alas-2:30 ng madaling-araw.

Ayon kay Supt. Alex delos Santos, hepe ng Los Baños police, target ng buy-bust ang suspek na si Erick kung saan nakuha dito ang tatlong sachet ng shabu at marked money na ginamit sa transaksyon.

Subalit nang siyasatin ang kasama nito na si Ivan, nakumpiska naman dito ang tatlong sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nakakulong na ngayon si Erick sa Los Baños-MPS Custodial Facility habang itinurn-over naman sa WCPD at MSWD-Los Baños ang suspek na si Ivan.