Una sa Balita

Dalamhati sa showbiz

0 301

Dear Abante Tonite,

Nakikidalamhati ang lahat at nakikisimpatya sa pagpanaw ng premyadong aktor at haligi ng showbiz na si G. Eddie “Manoy” Garcia. Sa edad na 90 ay masasabing nasulit na niya ang serbisyong kanyang inihatag para sa bayan.

Isa nga siyang inspirasyon hindi lamang bilang aktor kundi bilang isang tao. Nasulit ang haba ng ipinahiram sa kanyang buhay sa patuloy niyang pag seserbisyo bilang alagada ng sining. Sa kabila ng kanyang edad ay aktibo pa rin niyang ibinabahagi ang kanyang pagmamahal sa pag-arte hanggang sa punto ng kanyang aksidente habang ginagawa ang isang palabas na ihahandog muli sa masa.

Hinangaan ko ng lubos ang kanyang pagganap sa “Hintayan sa Langit” na lubahang nagbigay ng matinding reyalisasyon sa akin. Kung paanong dapat pinahahalagahan ang pahiram na buhay, kung paano masusulit ang mga oras sa makabuluhang mga bagay at higit sa lahat ay ang pagtanggap sa paglisan ng mga mahal sa buhay.

Na siya ring gagawin ng marami ngayong pumanaw na siya.

Patunay lamang ito na walang sinuman ang may hawak sa kanyang sariling buhay. Bata ka man, Matanda, may sakit o nasa mabuting kalagayan, mayaman o mahirap, kung oras mon a ay talagang oras mo na.

Kaya dapat lamang na habang may oras pa ay gamitin ito sa mga bagay na may kabuluhan at magmamarka. Gaya na lamang ni Manoy na nag-iwan ng legasiya sa masa.
Tine Cay ng Balutan

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy