Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dalagitang naki-party bumulagang bangkay

0 90

Bangkay na nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang menor de edad na babae malapit sa kanal sa Barangay Lasang, Davao City, Martes ng umaga.

Hirap tanggapin ng pamilya ang sinapit ng biktima na itinago sa pangalang “Weng,” isang estudyante.

Nakita ang kanyang bangkay sa Purok Taurus, Tambongon-Bucana Road.

Sa report, may saksak sa tiyan ang biktima.

Pauwi na si Weng Lunes ng gabi nang dumalo sa birthday party ng kaibigang babae.

SM food to go Banner Ad

Bago maghatinggabi ay umalis na ang biktima kasama ang kasintahan.

Sinabi naman ng kanyang nanay na nagpaalam pa ang biktima na magsasauli lang ng module.

Pero hindi nito inakalang dadalo pa sa birthday party at aabutan ng ulan.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

Wala namang impormasyon sa kasintahan nito. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.