Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dalagitang may pinakamabahang buhok nagpagupit na

0 54

Matapos ang 12 taon, nagpagupit na ang teenager na may hawak ng Guinness World Records title para sa may pinakamahabang buhok.

Mula 2018, hawak ni Nilanshi Patel, mula sa Modasa, Gujarat, India, ang nasabing world record. Pero bago ang kanyang ika-18 birthday sinukat muli sa huling pagkakataon ang kanyang buhok.

Nasukat ang haba nito na 200 sentimetro o o 6 feet at 7 inches, na dahilan para mahigitan niya ang sariling record.

Tinagurian si Patel bilang real life Rapunzel. Sa panayam sa kanya, nabatid na nagsimula siyang magpahaba ng buhok noong 6-anyos pa lang siya matapos na magkaroon ng hindi magandang karanasan sa hair dresser.

Nakuha ni Patel ang tatlong magkakasunod na Guinness World Records title bago siya nagpasiyang ipaputol ito noong Abril 14. Tumimbang ito ng 266 gramo.

Hindi ito naging madali para kay Patel pero sa huli ay naging masaya siya sa naging resulta. Aniya, “Oh my god it’s beautiful! It’s amazing – I’m like a little princess!”

Napagkasundan ni Patel at ng kanyang ina i-donate ang kanyang buhok sa museum para maging inspirasyon ang istorya nito.

Dadalhin ang buhok ni Patel sa United States para i-display sa Ripley’s Believe it or Not at Guinness World Records Museum. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.