Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dalagitang fan binaboy: Paulo karumal-dumal ang kahayupan

0 908

Puring-puri ng mga international reporter si Paulo Avelino dahil sa husay na ipinakita niya sa pelikulang “Fan Girl”. Gumaganap si Paulo bilang sikat na aktor na na sinusundan-sundan, binubulabog ng isang babaeng fan.

Pero sa loob ng mansion na `yon ni Paulo ay nadiskubre ng fan ang marumi, kahindik-hindik na pagkatapo ni Paulo, na malayo sa nakikita sa kanya ng publiko.

Ang “Fan Girl” ay dinirek ng multi-awarded na si Antoinette Jadaone, at prodyus ng Black Sheep, katuwang sina Direk Dan Villegas’ Project 8, at Globe Studios.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Na-feature na ito sa Tokyo International Film Festival at Telluride Film Festival. At kasama nga ito sa Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25.

Sa trailer pa lang ng Fan Girl, nakapangingilabot na ang karakter ni Paulo. Isang idolo na masamang impluwensiya sa mga kabataan. Mapagsamantala sa kahinaan ng iba. Makikita nga kung paano niya turuan ng bisyo, at samantalahin ang dalagitang fan. Tipong magagalit ka talaga sa karakter niya, ganiyan siya kahusay na aktor.

Anyway, hinahangaan din si Paulo sa husay ng akting niya sa Kapamilya serye na “Walang Hanggang Paalam,” na prodyus ng Dreamscape.

Siyanga pala, si Paulo ay abala rin sa “Aswang” bilang co-producer, na napapanood sa iWant horror series na “Sitsit.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.