Una sa Balita

Dalagitang binalatan sa Cebu dinukot din ang dila, lalamunan

By
0 777

BUKOD sa 30 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at pagbalat sa mukha ay hinila din ng mga suspek palabas ang dila, lalamunan at trachea o lalagukan ng dalagitang natagpuang patay sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Batay sa lumabas na resulta, nakitang nawawala ang ilang internal organ ng biktimang si Christine Lee Si­lawan, 16-anyos, at Grade 9 student, kabilang dito ang ilang bahagi ng balat sa leeg ng biktima at kanan nitong tenga.

Ayon pa kay Medico Legal officer Dr. Benjamin Lara ng Philippine National Police Crime Laboratory at siyang nag-autopsy sa bangkay ni Si­lawan, mahigit 12 oras na umanong patay ang biktima nang matagpuan ang bangkay nito Lunes nang umaga sa bakanteng lote sa Barangay Bangkal ng nasabing lungsod.

Kaugnay nito, umabot na sa P1.6 milyon ang nakalaang pabuya para sa makapagtuturo sa mga suspek sa brutal na krimen. Nalikom ito mula sa P1 milyong pangakong tulong ng pamahalaang lokal ng Lapu-Lapu City habang isang retiradong Amerikano na na­kabase sa Ormoc City ang nagdadagdag ng halagang P500,000 at ang nauna nang P100,000 galing naman sa Advisory Council of Police Regional Office sa Central Visayas. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy