Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dalagita nasukol sa P340K shabu

0 96

Nalambat ang isang 16-anyos na babae na sinasabing drug distributor ng big-time na tulak ng shabu sa Cebu City, habang aabot sa P340,000 halaga ng shabu ang nakumpiska matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG), Miyerkoles ng gabi sa lungsod na ito.

Ayon kay PDEG Director Brig. General Remus Medina, nadakip ng kanyang mga tauhan ang suspek na nakilalang si Chelsea Ann Puesca matapos ang buy-bust sa Barangay Bario Luz ng nasabing lungsod, alas-otso ng gabi.

Nakuha sa suspek ang tinatayang aabot sa 50 gramo ng shabu at ang perang ginamit sa operasyon.

Sabi ni Medina, ang suspek ay kilalang drug distributor ng isang alyas ‘Jerome Sosmena’, isang big-time drug pusher na nakakulong ngayon sa Cebu City Jail.

Ang tatay din ng suspek ay nakapiit sa Mandaue City Jail dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

Sa ngayon, si Puesca ay nakakulong sa Station 4 ng Mabolo Cebu City Police Office – Women’s and Children’s Protection Desk. Nakikipag-ugnayan na ang tanggapan sa DSWD para sa tamang desposisyon hinggil sa kostudiya ng suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.