Una sa Balita

Dalagita nanlaban sa rape, kinatay ng stepdad

0 710

MALAGIM na kamata-yan ang sinapit ng isang 17-anyos na dalagita sa kamay ng kanyang manyakis na stepfather nang pagtatagain ito matapos na manlaban ang una sa tangkang panggagahasa ng huli kamakalawa sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Agad binawian ng buhay dahil sa tinamong mga taga sa ulo at mukha ang biktima na isang grade 11 student ng St. Jude College.

Kusang loob namang sumuko sa awtoridad ang suspek na nakilalang si Jesus Socito, nasa hustong gulang at residente ng Housing area Brgy. Upper Glad 1 ng nabatid na bayan.

Sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-5:10 nang umaga nang gapangin ng suspek ang natutulog na biktima at tangka sana itong gahasain.
Subalit nanlaban ang biktima sa balak ng amain dahilan upang magalit ang huli at pagtatagain sa mukha at ulo ang walang kalaban-labang dalagita na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek subalit kalaunan ay kusang loob din itong sumuko sa opisyal ng barangay sa kanilang lugar na siyang nagdala sa kanya sa himpilan ng pulisya.

Lumalabas na may dating kaso na rin ang suspek ng tangkang panggagahasa sa kanilang lugar at kilala itong siga at laging may nakakaaway sa kanilang barangay.

Nakakulong na ang suspek sa Midsayap Municipal Police Station detention cell at sasampahan ng kaukulang kaso dahil sa ginawang krimen.(Edwin B­a­las­­a)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy