Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dalagita nalunod, bangkay inanod sa Tanza

0 161

Sa bayan ng Tanza napadpad at narekober ang katawan ng isang dalagita na nalunod sa dagat ng Naic matapos itong naligo kasama ang ilang kaibigan, Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Mary Ann Asne, 15, taga-Ciudad Verde Timalan, Naic.

Sa ulat ni Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza Police Station, alas-10;30 Lunes ng umaga nang nadiskubre ni Carlo Reymundo, 35, ang nakalutang na bangkay ng biktima sa dagat sakop ng Brgy. Amaya 7, Tanza, Cavite.

Sa tulong ng social media, naipaabot sa kamag-anak ang sinapit ng biktima.

Ayon sa pamilya, Linggo ng hapon nang magpaalam si Mary na maliligo kasama ang ilang kaibigan subalit nalunod umano ito at napadpad sa Tanza. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.