Una sa Balita

Dalagita na dinukot sa bar, natagpuan sa hotel

By
0 2,651

NATAGPUAN sa isang hotel ang 16-anyos na dalagita na umano’y dinukot sa isang bar sa Quezon City kamakalawa­ nang ­madaling-araw.

Sa inisyal na report­ na natanggap ni Quezon­ City Police District (QCPD) Kamuning Police­ Station 10 chief, Police Supt. Louise Benjie Tremor, itinago ang biktima sa pangalang Alexis na umano’y isinama ng kanyang ina na nakilalang si Anna Lisa Llasus, 40, separated, call center agent at residente ng No. 49-E Alley 6 Daang Bakal, Mandaluyong City sa Oasis Bar na matatagpuan sa Scout Albano cor., Panay Ave. Brgy. South Triangle,­ QC, kung saan idinaos ang ‘farewell party’ ng kanyang pinsan.

Dito ay masayang nakipag-inuman si Llasus sa mga pinsan na patu­ngong abroad, kasama ang ilang kaibigan at mga kamag-anak.
Pero lingid sa kaalaman ni Llasus na bagama’t pinagbabawalan niya na uminom ang anak ay umorder pala ang dalagita ng alak sa counter at doon ito umiinom hanggang malasing.­

Nang hanapin niya ang dalagitang anak ay nakita niya ito na nasa labas ng nasabing bar at nakatulog na sa kala­singan kaya muli siyang pumasok sa loob ng Oasis­ upang humingi ng tulong na maipasok sa loob ng club ang lasing na dalagita.

Ayon kay Llasus, isang nagpakilalang ‘Christian’ na umano’y kamag-anak ng may-ari ng Oasis ang tumulong para buhatin ang lasing na dalagita, subalit nang mapansin ng ginang na hindi kayang buhatin mag-isa ng lalaki ang kanyang anak ay muli siyang pumasok ng bar para tawagin ang boyfriend ni Alexis.

Subalit paglabas umano sa bar ng ginang ay wala na ang kanyang anak, pati na si Christian at nalaman na lamang niya na isinakay ang dalagita sa isang taxi na may plakang UVR-541.

Agad na nagreport si Llasus sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD).

Habang nasa CIDU ang ginang ay nakatanggap ito ng text message­ sa kanyang anak at nagpapasundo sa ­Camachille Expressway Hotel na matatagpuan sa Lot 6401, B1-BC, Camachille cor., Galler, Balintawak ng nasabing lungsod.

Agad na nagresponde­ ang mga operatiba ng CIDU-QCPD sa sinabing hotel ng biktima, subalit ang dalagita na lamang ang nandoon at wala na ang suspek na nakila­lang Christian.

Nabatid na sa gitna ng kalasingan ay dinala­ ang dalagita sa nasabing hotel ng suspek na si Christian at nag-check in sa Room 109 ­bandang alas-5:20 nang madaling­-araw.­

Inaalam pa ng mga awtoridad kung pinagsamantalahan ng suspek ang biktima.