Una sa Balita

Dalagita ginapos, sinako sa South Cotabato

0 662

PATAY na nang matagpuan ang 16-anyos na dalagita na una nang iniulat na ­nawawala sa Barangay Punong Grande sa bayan ng Banga, South Cotabato Miyerkoles nang umaga.

Sa ulat ni South Cotabato Director PCol. Jemuel Siason, nakasilid sa sako at ­nakatali ang dalawang kamay ang bangkay ng ­biktimang nakilalang si Barbie Inocencio, grade 10 student ng Notre Dame ng Bang.

Lunes ng gabi nang i-report ng ­pamilya ng biktima sa pulisya ang pagkawala ni ­Barbie matapos na hindi na ito makauwi mula ng pumasok sa eskwelahan.

Pero Miyerkoles ng umaga nang matagpuan ng isang magsasaka ang isang sako sa gilid ng irrigation canal at ng tingnan ang laman nito ay tumambad sa kanya ang bangkay ng dalagita dahilan upang agad niya itong ipagbigay-alam sa awtoridad.

Kaungay naman nito, napatay ng pulisya ang itinuturong person of interest na sinasabing dumukot at pumatay sa dalagita.

Ayon kay Brig. Gen. Alfred Corpus, ­Police Regional Office 12, binaril ng mga operatiba ang suspek na si Richard Romo Gumilid, 31-anyos, makaraang akmang maghahagis ng granada sa pulisya na nag-imbita sa kanya para sa imbestigasyon, alas-2:25 Huwebes nang madaling-araw.

Nangyari ang insidente sa harap ng ­bahay ni Gumilid sa Brgy. Kalawag 1.
Patuloy pang nag-iimbestiga ang pulisya sa posibilidad na ginahasa ang ­bitkima at kung mayroon pang ibang suspek sa ­krimen. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More