Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dalagita ginahasa ni kuya

0 192

Gumamit ng dahas ang 28-anyos na security guard upang matugunan ang pagnanasa sa dalagitang kapatid matapos halayin ang biktima sa loob mismo ng kanilang bahay sa Western Bicutan, Taguig City, kamakalawa.

Mismong ang 17-anyos na biktima ang nagsumbong sa pulisya ng ginawang panghahalay sa kanya na nagresulta sa pagkakadakip sa manyakis na suspek.

Sa ulat ng pulisya, nasa loob umano ng kanilang kusina sa kanilang tirahan si Betty dakong alas-12:00 ng hatinggabi at naghuhugas ng mga baso nang biglang dakmain ng kanyang kuya ang maseselang parte ng kanyang katawan.

Nagpumiglas pa ang dalagita subalit nangibabaw ang lakas ng suspek hanggang mahubaran at tuluyang halayin ang nakababatang kapatid.

Sa kabila ng banta ng kanyang kuya na huwag magsusumbong kahit kanino, humingi pa rin ng tulong si ang biktima sa isa pa niyang kapatid na lalaki na upang ireklamo ang kanilang kuya.

Kahapon ng umaga inaresto ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law. (Mia Billones)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.