Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dalagita, 2 beses ginahasa ng 80-anyos

0 207

KULONG ang 80-anyos na lolo sa Albay nang ireklamo ng panggagahasa ng menor de edad.

Sa report, nangyari ito nitong Biyernes, kung saan 2-beses umanong ginahasa ng suspek na kinilala lang sa Alyas “Jun” ang 13-anyos na dalagita sa Ligao City.

Sinabi ng Albay Police Provincial Office na naaresto ito sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng korte nitong nagdaang Nob. 21, 2021 dahil sa 2 counts of rape.

Sa imbestigasyon, noong Setyembre 2020, nagpunta ang biktima kasama ang kanyang ina sa Ligao City Police Station at isinuplong ang umano’y panghahalay ng suspek, na kapitbahay nila.

Sinasabing bigla na lang umanong pumasok ang suspek sa bahay ng biktima na may dalang patalim at pwersahang pinagsamantalahan ang biktima sa kanyang kwarto. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.