Una sa Balita

Dalagang Pilipina, tigasing balibolista

0 570

Mika Aereen Marcaliñas Reyes
ni Janiel Abby Toralba

ARTISTAHIN. Maganda. Ismarte. Petmalung balibolista.

Kung tutuusin, taglay na lahat ni Mika Aereen Marcaliñas Reyes, mas kilala bilang simpleng Mika, ang halos lahat ng bagay na nanaisin ng isang dalagang Pilipina.

Kaya naman, lubos ang pasasalamat ng magbe-25-anyos na middle hitter at produkto ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers.

“Every opportunity is a great achievement na for me,” sambit ni Mika nang minsang makakwentuhan ng Abante.

Lingid sa kaalaman ng marami, pinilit lamang si Mika ng kanyang nanay na pumasok sa mundo ng volleyball.

Chikka ni Mika, sinabi ng nanay niya na gamitin daw niya ang kanyang tangkad sa paglalaro ng volleyball.

Hindi nagkamali ang kanyang ina.

Marami-rami na ring karangalan ang nakamit ng 6-footer na si Mika sa paglalaro ng volleyball kaya lalo niyang pinagbubuti ang bawat pagsalang sa loob ng court.

Kaya naman, nagsisilbi rin siyang inspirasyon sa dalawang nakakababatang kapatid na katulad niya ring mga atleta.

Kasalukuyang naglalaro ang AB Psychology graduate ng La Salle para sa
Petron Blaze Spikers at sa Philippine Women’s pool.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi naman niya napapabayaan ang kanyang love life.

Bagama’t hindi masyadong open si Mika sa kanyang buhay pag-ibig, sinabi naman nito na maayos ang relasyon nila ng aktor na si Jerome Ponce.

Bilang bonus, napaka-supportive umano ng nobyo sa kanyang career. “Yes, he is very supportive and ginagawa niya talaga ang lahat para ma-cheer up ako, everytime na nafe-feel down ako,” sambit nito.

***

Abante: Reaksyon mo sa umaapaw na suporta para sa iyo mula sa social media?
Mika: Sobrang nakaka-touch kasi nakalagay pa sa paper nila na ako daw ‘yung nag-inspire sa kanila. Nai-inspire sila kapag nakikita nila ako maglaro which is nakakagawa pala ako ng mala­king impact sa kanila.

Abante: Ano’ng natutunan mo bilang atleta?
Mika: Ako, personally since I don’t have a job naman, athlete lang talaga ako everyday, mini-make sure ko na I’m always in a better shape kasi puhunan ko ‘yung katawan ko and I make sure also na para makaiwas sa injuries kailangan talaga mag-therapy and strengthening, body conditioning.

Abante: Kaya bang mag-gold ng national team sa SEA Games?
Mika: Mahirap sabihin as of now. Mahirap mag-podium finish sa ganitong malaking tournament pero we’ll give our best. Sana suportahan pa rin nila kami through ups and downs.

Abante: Mensahe para sa iyong mga fan.
Mika: Maraming salamat sa pag-support sa Team Petron and PSL kasi kung hindi naman dahil sa inyo, sa suporta ninyo, wala kami ngayon dito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy