Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dalaga tinuklaw ng ahas habang naliligo, dedo

0 243

PATAY ang isang dalaga nang matuklaw ng ahas habang naliligo sa Albay nitong nagdaang Martes.

Ayon sa report, nasa banyo noon ang 18-anyos na biktima na si Jovielyn Cervantes sa bayan ng Guinobatan nang mangyari ang insidente.

Kwento ng kapatid niyang si Jay, naliligo ang biktima sa Sitio Bantunan, Barangay Palanas nang matuklaw ng ahas ang biktima.

Sinasabing may kalayuan ang kanilang bahay sa gripo kung saan naliligo si Jovielyn kaya pagkauwi niya, saka lang niya nasabi sa ina na natuklaw siya ng ahas.

Kasunod noon ay ginamitan siya ng paunang lunas na tradisyunal na tambal habang itinatakbo sa ospital. Pero matapos maturukan ng anti-venom treatment sumakabilang buhay rin ang dalaga.

Hindi na rin nahanap ang ahas na nakatuklaw sa kanya. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.