Una sa Balita

Dalaga natagpuang nakabigti ng utol

By
0 619

ISANG 18-anyos na dalaga ang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti sa sarili sa hindi pa malamang dahilan sa Quezon City, kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni PO2 Juluis P. Raz, imbes­tigador ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Rachel Turallo, 18-anyos, out-of-school­ youth, at residente ng No. 4 Lower St., Brgy. Old Balara sa nasabing lungsod.

Siya ay natagpuang ng kapatid na si Renalyn na nakabigti ng kumot at itinali sa kisame sa loob ng kanilang silid na nasa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.

Batay sa pahayag sa pulisya ni ­Renalyn, dakong alas-siyete nang gabi ay pumasok siya sa kanilang silid para matulog nang bumungad sa kanya ang nakabiting katawan ng kapatid.

Bagama’t nakaramdam ng takot ay agad umano niyang hinila ang upuan at agad na tinanggal ang pagkakabigti sa kisame ni Rachel sa pag-asang may buhay pa ito.

Nang maibaba ay agad na tinawag niya ang kanyang nanay na si Aling Lucila at isinugod nila sa Malvar General Hospital si Rachel subalit idineklara itong patay na bandang alas-7:51 nang gabi ng attending physician na si Dr. Ermin Cabanella.

Hindi naman masabi ng pamilya kung ano ang dahilan ng pagbibigti ni Renalyn subalit nitong mga nakaraang araw ay napapansin na umano dito ang pagiging malungkutin at walang kibo.

Tumanggi namang paimbestigahan ni Aling Lucila ang nasabing insidente dahil naniniwala umano siya na sad­yang kinitil ng kanyang anak ang kanyang buhay.