Una sa Balita

Dalaga nagbigti dahil sa depresyon sa Cavite

By
0 1,851

Depresyon dulot ng personal na problema ang itinuturong dahilan makaraang magbigti ang isang 20-anyos na dalaga sa Cavite.

Sa ulat ng General Trias Component Police Station, nakita ng kanyang mga kaanak na nakabigti ang biktimang si Rihna Bueta y Sola sa punong katabi ng kanilang bahay sa Sitio Sampalucan, Maricris Complex, Brgy. Pasong Camachile, Gen. Trias, Cavite

Pasado ala-una ng madaling-araw kahapon nang madiskubre ang bangkay na agad nilang isinugod sa ospital ngunit dineklara na ring dead-on-arrival

Gayunman, hindi pa rin inaalis ng pulisya ang posibleng anggulo ng foul play.

Isasai­lalim rin sa awtopsiya ang labi ng biktima bilang bahagi sa pro­seso ng imbestigasyon.