Una sa Balita

Dalaga nabundol, nagulungan pa ng dump truck

By
0 2,388

Isang dalaga ang binawian ng buhay matapos mabundol at magulungan pa ng dump truck habang ito ay sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Napag-alaman ng Abante kay P/Ins­pector Ritchie Garcia, head ng Vehicle Traffic and Investigation Unit (VTIU) ng Valenzuela Police, dead on the spot ang biktimang si Edelyn Abelo, 36, naninirahan sa No. 22 Saint Peter Avenue, Luis Francisco Subdivision, Barangay Viente Reales ng nasabing lungsod.

Nasakote naman kaagad ang suspek na si Eddie Ringor, 27, ng Malokiat, Pozzonrubio, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Tirso Delina ng VTIU, sakay ng motorsiklo (Plate No. 2061- UC) si Abelo habang lulan ng Isuzu dump truck (No. RKL-919) si Ringor at kapwa binabaybay ang kahabaan ng Mac Arthur Highway, Barangay Malanday, patungong Bulacan nang mangyari ang aksidente.

Sinasabing pagsapit umano sa tapat ng construction supply sa lugar ng dalawa ay nag-overtake umano ang suspek at nabundol nito ang dalaga.

Sa kasamaang palad ay pumasok sa ilalim ng dump truck ang motorsiklo ng biktima at nagulungan pa ang katawan nito na siya nitong ikinamatay.

“Hindi siguro napansin ng suspek ‘yung victim, kaya nahagip niya ito,” ani Inspector Garcia.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence in resulting to homicide si Ringor.