Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dalaga minanyak ng lolo sa escalator

0 348

INARESTO ang isang 67-anyos na lolo nang kunan nito ng video ang ilalim ng palda ng isang dalaga na nakasabay nito sa escalator sa Bacoor City, Cavite Huwebes ng umaga.

Kasong Unjust Vexation ang isinampang kaso laban sa senior citizen na si Leonardo, taga-Cavite dahil sa reklamo ng 28-anyos na dalagang IT Analyst, ng Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Emerson de Ocampo ng Bacoor City Police Station, alas-11:00 kamakalawa ng umaga nang arestuhin ang suspek ng mga security guard ng isang mall sa Bacoor dahil sa reklamo ng dalaga.

Sa reklamo ng IT Analyst sa Bacoor CPS, kinunan umano siya ng video gamit ang kanyang cellphone sa ilalim ng kanyang skirt habang kasabay nito sa escalator ang suspek.

Nag-iskandalo pa umano ang suspek nang arestuhin siya ng guwardiya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.