Una sa Balita

Dalaga binoga sa eskinita

By
0 1,449

Nasawi ang isang 18-anyos na babae nang barilin sa ulo ng hindi pa nakilalang gunman habang nakaupo sa isang eskinita kamaka­lawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Mary Rose Segaya, ng Unit 5, Bldg., 27 Temporary Housing Aroma, Tondo, sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng ­suspek na tumakas matapos ang pamamaril bitbit ang ginamit na baril.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Aldeen Legaspi ng Manila Police District-Homicide Section, alas-singko ng hapon ng maganap ang pamamaril sa eskinita ng Bldg. 11 at 15 ng nasabing lugar.

Nabatid na nakaupo lamang umano ang biktima sa lugar nang dumating ang hindi nakilalang suspek at agad pinaputukan si Segaya sa ulo na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.