Una sa Balita

Daig pa ang tourist spot sa US:Pacman araw-araw dinudumog sa praktis

0 270

abante-anything-goes-jun-lalinNaku, Dondon, puyat-puyatan ako noong Tuesday dahil patulog pa lang ako nang tawagan ako ng friends ko dahil may maaga raw practice si Manny Pacquiao sa Pan Pacific Park na malapit sa The Grove sa Los Angeles, California.

Type ko rin namang makapag-live pra sa Abante News Online on Facebook, kaya go na ako.

Pagdating ko sa lugar na ‘yon, ‘kaloka at napakaraming tao na ang naghihintay sa ating Pambansang Kamao. Ang iba, galing pa sa Canada.

In fairness, nakapila sila dahil after raw ng practice ni Manny ay magpapapirma sila ng mga dala-dala nila like basketball, pictures, at kung anu-ano pang me-morabilia na may mukha ng ating Pambansang Kamao.
Sabi ng mga kasama ko na sina Bae Alyn at Bernadette, ganoon daw palagi ang ‘eksena’ roon, maraming mga Pinoy na nagpupunta para makita si Manny.

“After ng training niya, nagpapa-picture sila at nagsa-sign ng autograph. Mapagbigay si Manny,” sabi ni Bae Alyn na ilang beses na rin namang nakapunta sa practice ng boksi-ngerong Senador.

Maya-maya lang ay dumating na ang mga anak ni Manny na sina Michael at Jimuel. Nag-join ang dalawa sa iba pang Team Pacquiao members na nagba-basketball.

GMA dedma sa Pacquiao-Thurman fight

After a while, nakita ko na rin na nagpa-practice ang ibang mga Pinoy na sasabak bilang undercard sa laban ni Manny against Keith Thurman sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada on July 20.

Nandoon din si Dyan Castillejo na nagko-cover kay Manny for ABS-CBN.
Wala naman akong nakitang taga-GMA 7 dahil sa Kapamilya network nga mapapanood ang coverage ng Pacquiao-Thurman boxing fight.

Parang nagte-training din si Dyan dahil tumatakbo siya nung makita ko. Ipinakilala niya sa akin ang cameraman na kasama niyang nagko-cover.

Maya-maya, niyaya na ni Dyan ang cameraman niya dahil magsu-shoot na sila ng spiels niya para sa Sports U show niya.

Anyway, nilang oras ang nakalipas, biglang nag-alisan ang mga security ni Manny na nauna na sa lugar na ‘yon. Hindi na raw kasi darating ang Pambansang Kamao at malamang na sa Wild Card B­oxing Gym na lang daw magti-training ng after lunch.

Ang ibang mga naghihintay doon, sa mga anak na lang ni Manny nagpa-picture. Ang iba naman, pupunta raw sa bahay ni Manny na about two miles lang ang layo sa lugar na ‘yon.

‘Yung mga kakilala kasi ni Manny ay welcome na nakakapunta sa kanyang bahay at hinaharap naman niya.

“Maganda talaga ang PR ni Manny. Marunong siyang makisama sa fans,” sabi pa ng isang nakausap ko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy