Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Daig pa ang ekstra: Kim Chiu hindi na mukhang bida

0 1,255

Nawala ang pagiging star ni Kim Chiu sa panahon ng “new normal” sa teleserye nilang “Love Thy Woman”. Nanibago pero kinaaliwan, kinabiliban ng mga fan si Kim nang ibahagi niya sa kanyang YouTube channel ang mga kaganapan sa taping nila.

Dahil walang pinayagang assistant ng mga artista sa set, si Kim lahat ang gumagawa ng lahat.

Mapapanood sa vlog ni Kim na “A DAY IN A LIFE! (new normal taping day), na 5:00 am pa lang ay gising na siya at naghahanda sa trabaho.

Si Kim ang naghanda ng kanyang almusal, mga gamit sa maleta, nagpi-prepare ng kakainin para sa tanghalian at meryenda.

Kasama sa baon niya ang kasintahang si Xian Lim na mahilig sa unli- rice. Dalawa rin ang sandwich na ginawa niya.

Pagdating sa set, siya na rin ang nagsasabit ng mga gamit niya, at nagmi-make up sa sarili. Hanggang sa pag-uwi ay si Kim rin ang nagliligpit ng mga gamit niya. Si Xian naman ang tagabuhat, tulak ng mga maleta, bag ni Kim.

Pag-uwi rin sa tinutuluyan ng mga cast, si Kim pa rin ang naghuhugas ng mga plato, katuwang si Xian.

Kumbaga, pinagsama-samang extra, assistant, wardrobe, stylist, makeup artist, at kung anu-ano pa ang eksena ni Kim sa taping. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.