Una sa Balita

Dahlke kumayod, PLDT nagising

By
0 205

TINULDUKAN ng PLDT FIBR ang two-game skid matapos payukuin ang Generika-Ayala Lifesaver­s 25-21, 20-25, 29-27, 13-25, 15-12 kahapon sa Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kumayod si import Kendra Dahlke ng 27 attacks, dalawang blocks at isang service ace upang akbayan ang PLDT sa kanilang pang-apat na panalo sa walong salang.

Matapos ang magkumahog sa fourth set, tumodo ng lakas ang PLDT sa fifth set humarurot agad ng 5-0 run bago nilista ang 8-4 bentahe sa technical timeout.

Nakadikit ang Lifesavers 12-14 subalit nag service error si import Kseniya Kocyigit kaya naiyakas ng PLDT ang mahirap na panalo sa event na inis­ponsoran ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

“Kendra was tremendous, especially in the third set. Her offense was truly a big help for us,” saad ni PLDT head coach Roger Gorayeb.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy