Una sa Balita

Dahilan ng paghihiwalay

0 533

Dear Dra Holmes:

Good pm po sa pagkakaalam po ba nyo sa 14yrs kami hiwalay puwede nang mapawalang bisa ang kasal namin sa huwes at church? Kasi po, nagpakasal kami nung 2003 at nagsama hanggang 2005. Naging seaman sya nun at pagkatapos ay wala na sya sa buhay ko. Narinig ko mayroon na siyang ibang pa­milya sa probinsiya. Sa­lamat po, Carol

Dear Carol:

Maraming Salamat sa iyong sulat. Ang tinatanong mo sa akin ay hindi ang mga basehan ayon sa batas para maghiwalay ang mag-asawa. Sinulat ko ‘yun dahil ang iyong tanong ay pagwawalang bisa ng kasal ninyo sa huwes at simbahan.

Ang gusto mong malaman, ‘di ba, Carol, ay kung parang hindi na kayo kasal? Kung hindi na kayo kasal, puwede kang magpakasal uli ayon sa batas? Kung ito ang gusto mong malaman, ang tinatanong mo sa akin ay hindi tungkol sa paghihiwalay (legal separation) pero tungkol sa annulment.

Ang annulment lang kasi ang nagsasabi na walang kasal ang nangyari, kaya kahit na nangyari ito sa huwes o simbahan (o sa dalawang lugar) balewala pa rin ang nangyari. Hindi pa rin kayo kasal. In other words, walang bisa ang inyong kasal.

Mayroong 6 na dahilan ayon sa batas na maa-annul ang kasal ninyo, pero ikinalulungkot ko na hindi kasama sa mga dahilan ang pagkahiwalay ninyo ng 14 years. Kasal pa rin kayo, at ang dati mong asawa, na mayroong ibang pamilya sa probinsya ay hindi sumusunod sa batas.

Kahit na ganun ang situwasyon, I am so, so sorry, dearest Carol, pero wala ka pa ring karapatan magpa­kasal sa iba. Sana alam mo na inuulit ko lang ang batas at hindi ko sinasabi na sang-a­yon ako sa ganitong situwasyon. FINAL INSTALLMENT FRIDAY

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy