Una sa Balita

Dahilan ng paghihiwalay (2)

0 1,397

Dear Dra Holmes: (shortened Aug 14 letter)
Sa pagkakaalam po ba nyo sa 14yrs kami hiwalay puwede nang mapawalang bisa ang kasal namin sa huwes at church? Na­ging seaman sya (ang asawa ko) nung 2005 at pagkatapos ay wala na sya sa buhay ko. Narinig ko mayroon na siyang ibang pamilya sa probinsiya. Carol

Dear Carol:
Maraming Salamat sa iyong sulat na una nating pi-nublish nang buo noong nakaraang Miyerkules, Agosto 14. Sa kolum na ‘yun, binigay ko ang pagkakaiba (diffe­rence) ng annulment sa legal se­paration. Ang annulment ang nagsasabi na walang kasal na nangyari sa inyo. Therefore, ang taong may annulment lang ay puwede magpakasal sa iba. Ang malupit para sa iyong situwas­yon ay wala kang basehang kumuha ng annulment kahit na 14 taon kayong magkahiwalay, at kahit na mayroon na si­yang ibang pamilya.

Totoo, puwede kang makakuha ng legal se­paration. Ang legal se­paration naman ay kapag kayo ay hiwalay ng asawa mo sa bahay (kama at bahay). Ito ay ayon sa Article 63 ng Family Code. Pero, kahit makakuha ka ng legal separation, balewala pa rin ‘yun kasi hindi ibig sabihin magbabago ang buahy mo dahil pareho pa rin ang mangyayari, kagaya ng ngayon: magkahiwalay kayo pero hindi ka pa rin puwedeng magpakasal sa iba.

Puwede kang magkaroon ng boyfriend o makipag-live in kagaya ng ginagawa ng dati mong asawa pero wala kang pagtatanggol kung mayroong magsampa ng kaso sa iyo para sa bigamy.

Ito ay isang halimbawa ng batas na hindi talaga nakakatulong sa tao. ‘Yan ang dahilan na marami—lalo na ang kababaihan—ay nagtatrabaho para sa legalisasyon ng divorce. Kapag divorced ka, maaari kang magpakasal uli. Ka­sing halaga, maaa­ring mag-divorce na walang binibintang na nagkamali. Ito ay tinatawag na ‘no-fault divorce’.

Inaasahan ko na malapit na mangyari ang legalisasyon ng divorce para ikaw, Carol, ay maaaring magkaroon ng mas kompletong buhay na hindi nag-aalala kung kailan gaganti ang dati mong asawa. Ingat—MG Holmes
***

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy