Una sa Balita

Dahil sa tweet Jameson nagkulong sa sobrang takot

By
0 349

Naka-recover, nakapag-move-on na raw si Jameson Blake sa isyu niya ng panghihingi ng free artwork na ang kapalit, isang shout out mula sa kanya. Siyempre, nakatikim ng mga pangba-bash si Jameson dahil dito.

“I’m okay now after what happened. It was just for a week. Normal naman ‘yun sa industry, ‘yung mga bashing. The only thing I can do is just keep silent and let it die out,” sabi niya.

Pero aminadong naapektuhan siya noong unang sumabog nga ito at nag-delete raw siya ng social media account niya for a week. Hindi rin daw siya halos lu­malabas at nasa condo lang siya.

Abante Hiring – IT dep

“Naapektuhan din ako. The first few days, I was feeling down.”

Hindi naging posi­tibo ang dating ng tweet niya talaga na kapalit ng shout out niya, isang art work para raw sa social media account niya.

Nag-sink-in lang kay Jameson ang weight ng ginawa niya nang mabasa na nga niya ang reaksiyon ng mga netizen sa tweet niya.

Sabi nga niya, “I don’t have intention of downgrading anyone. I was just asking for a favor, so maybe they found it offensive. And siguro that’s just their perspective, that’s their opinion sa tweet ko. If they would just analyze clearly, wala naman akong bad intention sa tweet ko.”

Dugtong pa niya, “We’re still people. Just because artists kami or celebrities kami, public figure, yung mga ibang tao they have the right to bash us like that. Actually­, they should look at themselves muna before sila magsalita.”

Pero naging aral daw kay Jameson ang nangyari na ngayon mas maingat na siya sa kung ano ang pino-post niya sa social media. At nag­kataon pa, si Jameson ang isa sa leading men ni Sue Ramirez sa isa sa mga entry sa PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino) na ‘Ang Babaeng Allergic sa WiFi’ na mapapanood na ngayong August 15 at ang role niya rito, siya ang hindi talaga nagso-social media.