Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dahil sa tumakas na isda: Ayanna, Janelle muntik makulong sa Mindoro

0 84

Nakaka-shock ang pambungad na eksena ng pelikulang Putahe, na bida sina Ayanna Misola, Janelle Tee, na dinirek ni Roman Perez, Jr., para sa Vivamax.

Eh kasi naman, bungad na eksena pa lang, matutulala ka na talaga, dahil sa ginawa ng karakter ni Ayanna sa isang inosenteng isda. Imagine, ginamit niya ang isda para makaraos siya sa kanyang kaelyahan.

Ganun kalala ang eksena, ha! At hindi siguro kinaya ng isda ang ginawa sa kanya, kaya nagpakalayo-layo ito kay Ayanna. At hindi na nga alam ng mga tao sa production kung nasaan na ang naturang isda.

At nagbigay pa tuloy `yon ng problema sa kanila, dahil kailangan nilang humanap ng panibagong isda, na magtatapos sa naturang nakakabaliw na eksena.

“Nung sinu-shoot namin ‘yon, eh, isa lang `yon. Buti na lang noong nakatakas siya, tapos na ako, nakaraos na ako. Nasugatan ako, nahilo ang isda, kaya tinakasan niya ako,” sabi ni Ayanna.

Pero, hirit nga ni Direk Roman, kailangan ng take 2, at hindi na mahanap ang isda.

“So naghanap kami ng fish. Eh, ang island (Pandan) ay marine protected. So, kailangan naming pumunta kay Mayor, kasi allegedly, may mga nangingisa na grupo ng Viva. Eh, hindi naman totoo.

“Eh, ang dami raw isda na nakuha. Nakita niyo naman sa underwater scene namin, ang gaganda, di ba?

“Pero `yun nga, may nakarating kay Mayor na may mga nagnakaw raw ng isda. So, ipapadampot daw. Natakot kami, dahil baka nga kami ipadampot.

“So, nagpunta kami kay Mayor. Totoo naman na may nag-utos kasi na kumuha ng fish, dahil magti-take 2 nga kami.

“Natakot kami dahil hindi talaga kami pauuwiin.

“So, numpala, hindi naman sa side namin. Meron palang nag-utos na tao roon na kumuha ng isda.

“Pero, pinatawad naman kami ni Mayor! Kasi hindi naman talaga kami `yon,” sabi ni Direk Roman.

Kaloka, di ba?

Well, mas marami pang nakakabaliw na eksena ang ‘Putahe’. Siguradong maloloka rin kayo sa eksena nina Janelle, Ayanna.

Aba, pinalakpakan sa private screening ang matitinding lampungan nina Janelle at Ayanna, ha! At sa mga interesado sa ganung eksena, kayo na ang bahalang dumiskubre. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.