Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dahil sa pangil ng elepante: Heart inakusahang pekeng animal lover

0 491

Pagkatapos ng ilang buwan, nagkasamang muli ang mag-asawang Governor Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Nakabalik na nga mula sa Sorsogon si Chiz at sabi nga ni Heart sa caption niya sa picture nilang dalawa, “At long last!”

Masaya naman ang netizen at mga IG follower ni Heart sa pagkikita nilang muli. Nasubaybayan din kasi ng netizens ang halos day to day life ni Heart during quarantine at hindi sila magkasamang mag-asawa.

Pero bukod sa pagkikita nilang muli, naging kapansin-pansin ang paa ng glass table ni Heart na style tusk ng elepante sa mga netizen.

Isyu na naman sa iba at kinukuwestiyon ang love for animals ni Heart, pero naka-fur coat at may crocodile Hermes daw. Ngayon naman, ginawang paa raw elephant tusk ang glass table nito.

Nagtatalo na ang mga fan ni Heart at obviously, basher or hater ng actress.

Sabi ng isang netizen, “Are those real elephant tusks used as table legs? If so, that’s so sad and cruel.”

Sinagot na ito ni Heart ng “nope.” Pero hindi pa rin nakuntento ang iba sa sagot ni Heart at ilang beses pa rin siyang tinanong ng ibang IG follower niya kung totoong tusk nga yun o design lang na ginaya.

Kaya sumagot muli si Heart at binigyang diin na, “No way. Not real.”

KathNiel nagpakilig

Ang dami na namang kinilig at nag-comment ng #SanaAll dahil sa recent Instagram post ni Daniel Padilla.

Hindi lang naman kasi ang picture nilang dalawa ni Kathryn Bernardo na kini-kiss niya ito sa isang mata habang nakangiti si Kathryn ang nakakakilig, mas pa ang caption niya na three words pero mas may ibang dating pa than the usual three kilig words na I love you.

Sey ni Daniel, “Stand by Me.”

In-love na in-love talaga si Daniel sa girlfriend. At parang may takot na mawala ito sa kanya sa pagkaka-”stand by me” na caption.

O, ‘di ba, bakit nga naman ‘di kikiligin ng todo ang mga fan, netizen sa post na yun.

Jason ‘di nilayasan ang misis

Sa loob ng halos kulang apat na buwan, ngayon lang naranasan, lalo ng mga showbiz couple ang magkasama sa bahay ng ganito kahabang panahon at 24 hours na nasa loob lang sila ng bahay.

Ilang beses na rin napabalita na naghiwalay or may problema sa mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco, pero in fairness, sila pa rin naman talaga ang magkasama.

Sa naging Facebook Live ng PPL Entertainment para sa #PPLKamustahan, parehong nag-live ang Melason. Nagmarka sa amin yung sinabi ni Jason na ngayon daw, dahil sa COVID-19, no choice, kahit pa may something, hindi hindi siya puwdeng basta umalis na lang.

Eh, before, alam naming kapag may isyu yata silang mag-asawa, nandiyang uuwi ng probinsiya si Jason.

Kaya sabi nito, “Walang choice dahil hindi ka puwedeng umuwi ng probinsya. Hindi ka puwedeng pumunta sa kaibigan, so talagang sa bahay lang. Dito mo masusukat ang inyong pagsasamahan.”

Mukhang dahil sa quarantine, mas naging matatag pa ang relasyon nilang mag-asawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.