Una sa Balita

Dahil sa paglipat ni Regine sa ABS-CBN: ‘Ang kapal ng mukha mo Ogie, user ka!’

By
0 5,432

Nagagalit ang mga fan sa plano, o balitang paglipat ni Regine Velasquez-Alcasid sa ABS-CBN 2 at pagkalas sa GMA 7. Maging si Ogie Alcasid ay nakakatikim ng ngitngit ng ibang mga supporter ni Regine at direktang pinamumukhaan ng masasakit na salita ang mister na ito nang singer-actress-host.

Nag-post si Ogie sa kanyang Instagram wall ng throwback photo ng wedding nila ni Regine at in-acknowledge nito ang lahat ng mga lalake sa larawan na kasama nila ni Regine, at sinabi niyang ito ang kanyang mga kaibigan mula noon hanggang ngayon.

Walang anumang binanggit si Ogie tungkol sa tsismis ng paglipat ni Regine sa Kapamilya Network pero isang komento ang sumulpot na direktang pinagagalitan ang balladeer-composer.

Nilait ng basher ang pagkatao ni Ogie at inakusahan itong ginagamit lang ang kanyang misis para panoorin ang mga concert nito.

@mibadoora: “Dahil wala kang career sa ABS at judge ka na lang sa TNT kinaray ang asawa sa ABS para sa lahat ng project ni Regine kasama sya! Sobra sobrang panggagamit mo na kay Regine. Lahat ng shows nya sa US kasama ka! Lahat ng shows lagi mo syang gini-guest para lang di langawin ang shows mo at kumita. Ngayon isasama mo sya sa ABS para walang choice ang network kundi bigyan ka ng show! KAPAL DIN NG MUKHA MO NO? @ogiealcasid @reginevalcasid.”

Hindi natinag si Ogie sa masasakit na akusasyon sa kanya ng ­basher, pero sa halip na makipagtalakan, mahinahon itong sinagot ng singer-comedian.

“@mibadoora God Bless You” sabi ni Ogie.