Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dahil sa P3,600: Janella ipina-Tulfo ng alalay

0 929

Dahil sa halagang P3,600, naiskandalo si Janella Salvador, at dahil `yon sa personal assistant niya, o dating alalay na si Michelle Pelongco.

Kaloka ang rebelasyon ni Pelongco tungkol kay Janella, na kesyo kuripot, at hindi raw maganda ang naging trato sa kanya.

“May sisingilin po ako na sweldo kay Janella, 12 days po yon, P3,600.

“Sayang din po, inaasahan ko rin ‘yon, pinapadala sa mama ko. P8k ang sweldo ko sa isang buwan.

“PA ako, pero tumutulong din ako sa bahay. Dati rin akong kasambahay.

“Bilang PA, ako po lahat nag-aasikaso sa gamit niya, kasama niya sa taping.

“Mababa lang ang sahod, at wala rin kaming SSS at Pag-Ibig. Stay in po kami.

“Yung ibang kasamang PA malalaki ang sahod, kaya nagulat sila sa akin, kasi ang PA ‘di biro ang trabaho.

“Matindi ang puyat lalo na pag dalawa ang schedule pag may TV at movie.

“Pinaalis niya ako kasi may sinabihan ako na handler niya po.

“Tapos sinabi niya sa akin, hindi ko raw deserve ang pagkain sa bahay nila. Eh, hindi naman po sila namimigay ng pagakin nila. Iba ang pagkain nila, iba ang pagkain namin, kasama ang mga kasambahay.

“Iba rin ang turing nila sa amin. Wala po siyang pakialam. Magbibigay lang siya ng P2k budget sa pagkain 2 weeks po. Kasama mga driver at kasambahay.

“Ang lutuan namin iba, iba sa kanila.

“Wala ang istasyon niya ngayon, kaya siguro nagtitipid.

“Pero kahit noong may ABS-CBN, ganun na po siya sa amin,” ang kuwento ni Michelle.

Anyway, nangako naman daw ang kampo ni Janella na aayusin ang problemang ito, na maliit na bagay lang naman daw. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.