Una sa Balita

Dahil sa P20, Derek namahiya ng Aktres

By
0 7,840

Abswelto si Derek Ramsay sa paratang na insensitive siya ­dahil sa P20 joke niya sa Gabi ng Parangal ng 43rd ­Metro Manila Film Festival na ginanap sa Kia Theatre noong ­Miyerkoles, December 27.

Sina Derek at Erich Gonzales ang Male Star of the Night and Female Star of the Night, respectively, sa awards night ng MMFF at P20,000 each ang cash prize na natanggap nila.

Isang aspiring actress na contract star ng Viva Artists ­Agency ang nag-announce ng mga pangalan nina Derek at ­Erich pero dahil baguhan at kinakabahan, P20 ang nasabi niya na premyo ng Star of the Night winners.

Nang tanggapin ni Derek ang special award, nagbiro siya na paghahatian nila ni Erich ang P20 cash prize habang ipinapakita niya ang hawak na bente pesos.

May mga hindi natuwa sa biro ni Derek at inakusahan siya na pinaglaruan niya ang baguhan na pinabalik sa stage at ipinaulit ang announcement ng mga nagwagi bilang mga Star of the Night.

Dahil na rin siguro sa nerbyos na nararamdaman, umabot sa Take 3 bago naiwasto ng female newcomer ang kanyang mga dapat sabihin.