Una sa Balita

Dahil sa nawawalang Pinay, Fil-Am Association nagpasaklolo na sa FB

By
0 2

Humingi na ng tulong sa pamamagitan ng Facebook ang isang grupo ng mga Filipino-American sa Atlanta upang magbi­gay linaw sa pagkawala ng isang Pinay na nawawala noon pang Oktubre 28 nang taong kasalukuyan.

Sa pahayag ni ­Willy Blanco ng Fil-Am Association sa ­Atlanta sa WSB-TV 2 nitong Lunes, Disyembre 26, lumapit na sila sa Atlanta Pinoy Facebook page na may libu-libong followers upang makatulong sa pagbibigay ng impormasyon upang matagpuan si Cecilia Bustamante, 42.

Sa ulat ng WSB-TV 2 noong Disyembre 21, ­tumawag sa 911 noong Disyembe 2 ang mga kaibigan ni ­Bustamante matapos hindi siya duma­ting sa kanilang Thanksgiving.

Abante Hiring – IT dep

Tumanggi namang mag­bigay ng anumang pahayag sa media ma­ging sa pulisya ang asawa ni Bustamante (hindi binanggit ang pangalan) hinggil sa pagkawala ng kabiyak.

Mistulang wala siyang pakialam sa pagka­wala ng kanyang asawa ayon sa ulat.

Sa pahayag ni Capt. Ernesto Ford, ng Chamblee police, hindi ini-report ni Mr. Bustamante ang pagkawala ng kanyang asawa, at nagpa­kita rin siya ng kawalan ng concern sa kabiyak nang kausapin para sa imbestigasyon gayong ito ang ina ng kanilang anak.

Sinabi ni Capt. Ford sa Fox 5 Atlanta na nawala ang ginang nang labag sa kanyang kalooban dahil wala itong dalang pera, walang credit card at hindi rin dala ang passport.

Sa ngayon ay wala pang kasong isinasampa laban kay Mr. Bustamante.

Sa katunayan ay nasa poder pa niya ang kanilang 7-taong gulang na anak na si Alex.

Ayon kay Mary Kem­zura, kaibigan ng mag-asawa na may nangya­ring hindi maganda kay Cecilia.

Hindi aniya maubos maisip na iwanan ni Cecilia ang kanyang anak na si Alex.

Sa inilabas na report ng WTOC, si Cecilia ay may taas na 5’3”, may timbang na 120 lbs. Huli siyang nakita nang umalis sa kanyang trabaho sa Peachtree Street, Atlanta dakong 11:40 noong Oktubre 28.