Una sa Balita

Dahil sa mga proyekto ng DPWH 1M sasakyan sa EDSA mababawas

0 378

INAASAHANG ma­ba­bawasan ang matin­ding traffic sa EDSA sa ­pangangalahati ng taon dahil sa mga isinusulong na ­construction projects ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni Department of ­Public Works and ­Highways (DPWH) ­secretary Mark Villar sa ­economic briefing sa Malacañang .

Ayon kay Villar, inaasahang 20-30% o katumbas ng 100,000 ng mga sasakyan ang mababawas sa Edsa dahil may mga ­natapos ng projects na maaaring alternatibong daanan ng mga motorista ng hindi na kailangan pang dumaan sa EDSA.

Kabilang dito aniya ang skyway stage 3 na target mabuksan sa Abril, NLEX Harbor Link na nakumpleto na ang first phase at ang mga ginagawa na ngayong mga ­tulay ng Bonifacio Global ­­City-Ortigas Center Bridge, ­Binondo-Intramuros bridge at Estrella Pantaleon bridge na halos 50% na ang ­konstruksiyon.

Sa skyway 3 project ani Villar, ang travel time na isa at kalaha­ting oras kung dadaan sa EDSA mula Makati City hanggang sa Balintawak sa Quezon City ay magiging 15-20 minutes na lamang.

Sa NLEX Harbor Link naman, sinabi ni Villar na ­tinatayang 30,00 mga truck na ­galing sa Port Area ay hindi na dadaan sa EDSA kaya ­malaking bagay ito para makabawas sa traffic. (­Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More