Una sa Balita

Dahil sa Marawi: Ronnie pumasok sa PH Army

0 439

Ginulat ng singer-actor na si Ronnie Liang ang marami nang maka-graduate ito bilang 2nd lieutenant sa ilalim ng Armor “Pambato” ­Division (AD) ng Philippine Army sa Camp O’Donell sa Capas, Tarlac.

Valentine’s Day nga ang military graduation ni Ronnie kaya pala wala itong ginawang V-Day show. Instead ay pinaghandaan niya ang kanyang graduation at nakunan nga siya na suot ang black beret na simbolo ng isang ga-graduate sa military.

Nilihim nga raw ni Ronnie ang kanyang training bilang isang army reservist. Taong 2018 pa raw siya nagsimula mag-train sa military.

“Started this 2018 pa pero wala akong sin­abi­han. I ac­tu­ally vol­un­teered. I said na gusto kong ­mag­ing parte siyem­pre to serve the coun­try, to help the ­com­mu­nity lalo na sa pana­hon ng pan­gan­gailan­gan. Re­mem­ber Marawi siege? ‘Yun ang nagpagis­ing sa akin na ta­la­gang kailan­gan natin mag­tu­lun­gan as a na­tion,” sey pa niya.

Qualified si Ronnie sa training dahil ­nakatapos ito ng college degree at meron siyang ROTC at ­pilot background. Dumaan ang singer sa Mechanized ­Infantry ­Operations Training (MIOT) kunsaan nag-train siya ­battle drills, armored ­vehicle defensive training at raid mission training.

“Grabe ’yung train­ing. Such a hum­bling ex­pe­ri­ence. 4:00 am pa lang gu­migis­ing na. Super strict sa time and kilos. Dapat ta­la­gang ma­bilis ka ­ku­mi­los. From eat­ing your food to tak­ing a bath. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More