Una sa Balita

Dahil kina Ogie, Regine: Sharon tinawag na palengkera, cheap

0 1,895

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyDahil pa rin sa balitang paglipat ni Regine Velasquez-Alcasid sa ABS-CBN 2, biglang nadamay na rin sa isyu si Sharon Cuneta, nu’ng magtanggol ito para kay Ogie Alcasid sa kanyang comment. Sumawsaw sa comment thread ang Megastar at pinatutsadahan ang lahat ng mga nanggigil kay Ogie dahil sa isyu sa paglipat ng misis nito.

“@reginevalcasid At mas nakakatawa naman na mag-asawa kayo tapos di kayo nagtutulungan. Mas pangit yata kung iba ang kailangan niyo pang gamitin when you love and are there for each other! Nakakaloka at nakakasakit ng kalooban talaga ang ibang tao!

“napakaraming nagmamahal sa inyo at kay nate pati sa pamilya ni michelle at sina sara and leila. they can talk all they want pero hindi kayo mabubuwag! besides-bakit tayo alam natin lahat na isa na sa masters sa paggawa ng kanta si ogie ba (na) kasunod na ng mga yapak nila canseco, cruz, valera, cayabyab, ocampo atbp.?

“Institution na si ogie sa industriya! Sorry pero tangengot na lang di nakaka-alam non! Jusko nag-palpitate ako! Napakataas ng respeto namin kay Ogie at sa’yo Regine!!!!

“Mas marami di hamak na nagmamahal sa inyo! ano na darna? Nasa yo pa ang costume mo? Eh teka papagawa pa ko ng bago. Text kita agad tapos sabay tayo sisigaw DARNA! Tignan ko lang! Hahaha love you so much! Yaan mo sila mangga­laiti. Tayo maganda ang buhay at maligaya..Lamna si GOD..masama gumanti para sa mga anyan kasingbuti niyo!”

Pinuna at kinontra si Sharon ng isang follower ni Ogie at ipinalagay nitong negative ang mga banat ni Sharon na parang natutuwa pa itong may mga taong hindi kasingbuti ng kanyang buhay.

Pero bago ito ay nag-react muna siya sa nanlait kay Ogie.

@whitepurplelies, “Grabe yung comment di ba? Wala kang pakialam sa buhay nilang mag-asawa. At yung comment naman ni Mega sana wag na lang syang nag-comment lalo’t sabihin nyang hayaan na lang daw manggalaiti e parang sya yun e.

“At yung sabihin nyang si God daw masama gumanti please wag ng gamitin si God. God is merciful, full of compassion and slow to anger.

“Tama po na maganda buhay nyo pero parang sinasabi nyo na din na “eh sila maganda ba buhay nila?” Sounds like parang masaya ka na di maganda buhay ng iba.

“Sabi nya din nya maligaya din daw sila e bakit po kung makapag-comment parang you’re not happy kasi if you are happy di sana dapat ganyan. Just saying lang po @reallysharoncuneta”.

Sumegunda naman ang isa pang follower sa nag-comment. Sinabihan nitong basura at cheapepay si Sharon.

@heyitseditha: “@whitepurplelies what do u expect kay @reallysharoncuneta??? Haha. Isa din yang basura at cheapepay nay artista. Palengkera masyado kung maka-comment.”

Marami ang nagtanggol kay Ogie at Regine, may mga sumaludo naman sa tapang ni Sharon. Pero hindi na pinatulan pa ng megastar ang maanghang na patutsada sa kanya ng mga basher.

 

Queen of Quezon City title pag-aagawan ng 24 transgender

Tumataginting na P600,000 ang ipamimigay ng Quezon City para sa taong ito ng Queen of Quezon City, isang gay beauty pageant na sasalihan ng 24 magagandang mga beki mula sa iba’t ibang barangay ng QC.

Bale P300,000 ang makukuha ng tatanghaling Queen at P100,000 naman bawat isa sa mapipiling “Lady Equality”, “Lady Respect” at “Lady Pride”.

Sa press presentation para sa mga kandidata na ginanap sa Novotel Cubao nung Oct. 9, halos lahat ng mga kalahok ay pawang mga graduate ng college at nagtatrabaho sa malalaking BPO companies.

Ang ilan naman ay make-up artists, performers, businesswoman at may mga kasalukuyang nag-aaral pa. Present sa presscon ang LGBTQ rights advocate na si QC Councilor Mayen Juico. May kanya-kanyang angking talino ang bawat kandidata na puwedeng kumabog sa mga tunay na babae sa mga beauty pageant para sa mga natural-born-women.

Maganda ang sagot ng isang kandidata nu’ng matanong ito tungkol sa pagtanggap ng Miss Universe sa mga transgender. Panalo rin ang kumontra sa naunang sumagot.

Dahil nga unti-unti ng pinapayagan ang mga ibang kasapi mula sa ilang religious community, isa sa kandidata ay miyembro ng malaking religious group.

Gaya ng nakoronahang bagong Miss Asia Pacific Intercontinental na si Sharifa Akeel, na isang Muslim.

Ayon sa isang kandidata, nakuha naman niya ang blessing ng kanyang mga magulang na lumahok siya sa pageant. Ang isa naman ay nakuha ang suporta ng kanyang amang isang sundalo.

Sa October 15 ang pre-pageant at sa November 10 ang coronation night ng QQC na gaganapin sa University Theater, sa Diliman QC.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy