Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dahil kina Maine, Arjo: ‘Eat Bulaga’, ‘Daddy’s Gurl’ damay sa galit ng ilang AlDub Nation

0 237

Aware kaya si Maine Mendoza na na-retweet niya ang tweet ng mga nagagalit sa kanya?

Ni-retweet nga ni Maine ang tweet na may mga linyang; “If you have to ask them for the basic elements of human respect, that is a red flag.”

Sa simula, iisipin mo ngang bonggang mensahe lang `yon. Pero, ang pa-hashtag nga ang nakakaloka, dahil nakasulat ang mga linyang #ADNBoycottEBxDGxCS.

Obyus na ang Eat Bulaga, Daddy’s Gurl ang tinutukoy ng mga nagpapakalat ng tweet na ito. At hindi ako sure kung napansin ni Maine ang hashtag na `yon, dahil ni-retweet nga niya, o pang-asar na lang niya sa mga nag-iisip ng ganiyan. O gusto lang din ibalik ni Maine ang mismong nilalaman ng mensahe na `yon tungkol sa respeto.

Mababasa rin ang mga reaksiyon ng mga follower sa mismong post na `yon. Nagagalit ang iba na pati raw mga matitinong ADN (AlDub Nation) ay nadadamay. Pero siyempre, nandiyan pa rin ang mga palaban, na hanggang sa huli, hindi papayag na magkahiwalay ang AlDub (Maine as Yaya Dub at Alden Richards)

SM SuperKidsDay Banner Ad

Siyempre, ang pinag-ugatan ng naman ng galit nila ay ang pag-guest ni Arjo Atayde sa Daddy’s Gurl sitcom bilang special guest ni Maine sa kanyang birthday.

At lalo siguro silang nagalit nang makita nila na nagbigay ng mensahe si Maine kay Arjo sa contract signing ng binata sa Kapamilya channel, o Star Magic.

Pero sana nga, pagbigyan din ang hiling ng mga fan na bigyan din ng project sina Maine at Alden na magkasama, di ba?

Well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.