Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dahil kay Vice Ganda: Lola ‘nanginig’ sa botika

0 181

Ang daming naiyak sa bagong vlog, content ni Vice Ganda sa YouTube channel niya, ang ‘Gamot Niyo, Sagot Ko’.

Na para sa kanya ay pampa-good vibes lang talaga, pero para sa mga ordinaryong tao, malaking biyaya talaga, at hulog ng langit, na galing nga kay Vice.

May napili ngang isang botika si Vice na kung saan ang mga bumibili ay nagugulat, nasusurpresa, na hindi na sila nagbabayad, at sinasagot nga ni Vice.

At yes, hindi basta-bastang halaga lang ang binigay ni Vice, na hindi lang sampung tao, kundi maraming tao, ang nakinabang sa pamapa-good vibes na `yon ng komedyante.

May isang matandang babae nga na sa simula, nagdadalawang isip na bilhin ang gamot, at pang-check ng blood pressure, at gulat na gulat siya noong pumasok si Vice sa botika, para sabihin sa kanya na…

“Ako na magbabayad ng mga binili niyo. Regalo ko na sa inyo!”

At sinabihan din ni Vice ang mga nagtatrabaho sa botika, na lahat ng iba pang bibili mula sa mga oras na `yon, hanggang sa magsara sila, babayaran niya lahat.

“Pampa-smile lang sa mga tao!” sabi pa ni Vice.

“Ang suwerte naman namin!” gulat na gulat ng isa pang kostumer.

“Suwerte naman din ako sa inyo!” sagot ni Vice.

“Share, share lang ng blessings,” dugtong na sambit pa ni Vice.

Nag-alangan nga ang matandang babae, at nagtanong kung hanggang saan ang limit ng bibilhing gamot o babayaran ni Vice.

“Walang limit. Kung ano ang bibilhin mo ngayon. Babayaran ko!” sagot ni Vice, na talagang nagpasaya sa mga tao sa botika.

“Bigyan mo na siya ng pang-isang buwan!” sabi ni Vice sa empleyado ng botika patungkol sa binibiling maintenance ng matandang babae.

May isang nanay rin na umalis para kunin ang reseta sa bahay, at binayaran pa rin ni Vice `yon pagbalik niya.

“Diyos ko, salamat. Dininig ang dasal ko kahapon sa simbahan,” sabi pa ng matandang babae.

May isang lola na hindi nga makapaniwala na mabibili niya ang mga gamot na inaasam niya. Ramdam na ramdam ang panginginig ng kanyang katawan habang bumibili ng mga gamot.

“Ipagdasal niyo na lang po ako,” pakiusap lang ni Vice sa kanila.

Naka-chikahan din ni Vice ang may-ari ng botika, na tuwang-tuwa sa ginawa niya.

“Maganda ang ginawa mo, marami kang natutulungan. Nakakaantig ng puso. Ang ganda ng ginawa ni Vice. Marami talagang walang pera dahil sa pandemic,” sabi ng may-ari ng drug store.

“Gusto ko lang magbigay ng kaligayahan,” saad naman ni Vice.

Sa loob ng van ni Vice ay masayang-masaya ang pakiramdam niya na marami siyang natulungan.

“Ang laking gastos ng maintenance, ha! Magkano `yon sa isang buwan, sa isang taon. May pinaglalaanan ka talaga. Simpleng tulong, pero napapa-smile sila.

“Masuwerte tayo, kasi wala tayong iniinom na maintenance,” sabi ni Vice sa kaibigan na kasama niya.

Nagpapasalamat nga si Vice na sa edad niya ngayon, hindi siya nagmi-maintenance at hindi nagkakasakit.

Naospital lang daw siya noon dahil sa kidney stones, at may pinainom ng mga gamot sa kanya para matunaw ang mga `yon.

Wala rin daw mga pagkain na binabawal sa kanya, kaya masuwerte talaga siya.

God bless you Vice Ganda! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.