Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dahil kay Janine: Darren, Enchong ginawan ng intriga

0 121

May pasabog si Darren Espanto ngayong 21 year old na siya. After nga niyang magpa-party, aba, may hinahanda pala itong bonggang pasabog sa kanyang mga tagahanga.

Bigla na lang nag-post si Darren sa Instagram ng mga topless photo niya. Nag-effort talaga itong magpa-pictorial at ang simpleng caption niya ay “21.”

Ang edad na 21 ang talagang legal age ng isang lalaki. Kaya parang ipinapaalam ni Darren sa lahat na binata na siyang talaga.

Ibig sabihin din ba nito, gusto na rin ni Darren na mabago ang imahe niya. Na hindi na siya ‘yung tila “baby boy” kung tawagin ng lahat, na kaya rin niyang magpa-sexy at daring?

Aliw ang mga comments sa IG post na ito ni Darren, merong mga nagsasabi na, “Ay, ‘di kami ready!”

Pero may mga naintriga sa comment ni Janine Gutierrez na, “Enchong will be proud!”

Tinatanong si Janine kung “may something daw ba?” Bakit daw na-mention si Enchong? Huh? (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.