Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dahil kay Coco: Julia sinisiraan ng kampo ni aktres

0 90

Like her boyfriend na si Coco Martin, sobrang matulungin din pala si Julia Montes. Ayaw nga lang daw ng aktres na ikinukuwento pa ang tungkol sa mga pagtulong na ginagawa niya.

Sa isang taping daw noon, nakita ni Julia na may isa silang kasamahan na namimilipit sa sakit. Ang aktres daw mismo ang nagsabing dalhin na sa ospital ang taong ‘yon (na hindi naman daw niya talaga personal na kilala).

Later on, nalaman daw ni Julia na kailangang operahan sa appendix ang taong ‘yon at, “Sige po, paoperahan n’yo na at ako na ang sasagot sa bayad!” ang sinabi raw ng aktres.

Isang taong malapit kay Julia ang nagkuwento sa akin ng tungkol dito.

Nakakuwentuhan ko kasi ang taong ‘yon dahil sa ilang paninirang nakarating sa akin tungkol kay Julia.

Ipinagtanggol sa akin ng taong malapit sa kanya ang aktres.

“Sa social media talaga, kung ano-ano ang sinasabi nilang paninira kay Julia, lalo na ‘yung mga fan ni (pangalan ng isa pang aktres na na-link din kay Coco). Sinasabihan pa nila na masama ang ugali ni Julia.

“Hello! Napakabait kaya ni Julia. Sobrang matulungin niya. Kahit hindi niya kilala, tinutulungan niya. Ayaw nga lang niyang ikinukuwento pa ang tungkol sa mga ‘yon.

“’Yung taong pinaoperahan niya, nalaman ko lang dahil ako ang pinakiusapan niyang pumunta sa ospital at magbayad ng bills!” sabi pa ng taong kausap ko.

Well, ang nice naman pala ni Julia.

Pokwang mahilig magpatikim

Mahilig magluto si Pokwang.

Bukod sa negosyo niya ang pagluluto (lalo na ang Mamang’s Inasal tuwing weekend), marami rin siyang mga kaibigang ipinagluluto.

Sabi nga niya kay Pauleen Luna-Sotto na nakasama niya sa “Chika, BESH!” ng TV5, ipagluluto niya si Bossing Vic Sotto ng gusto nitong pagkain bilang belated birthday gift sa isa sa mga host ng “Eat Bulaga”.

Ilang beses na rin naman kasing nakasama ni Pokwang sa ilang projects si Bossing Vic.

Anyway, siyempre, madalas ding ipagluto ni Pokwang ang kanyang pamilya.

Ang anak niyang si Malia O’Brian, kung ano-anong pagkain ang niluluto niya para rito.

Kamakailan, gumawa siya ng crispy kangkong na akala niya noong una ay hindi magugustuhan ni Tisay (tawag niya kay Malia), pero yummy nga ‘yon para sa bunso niyang anak.

Isa si Anne Curtis sa tila nasarapan sa kinakain ni Malia, kaya sabi niya kay Pokwang, gagawa rin daw siya ng ganoon para sa anak niyang si Dahlia.

Bet daw kasi ng anak nila ni Erwan Heussaff ang mga pagkaing crunchy.

Going back to Pokwang, sa Friday na magsisimulang mag-streaming ang Mother’s Day movie niya under Regal Entertainment, Inc., ang “Mommy Issues” kung saan ay gumaganap siyang nanay ni Sue Ramirez.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.