Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dahil kay Bongbong: Toni bugbog, durog sa mga dilawan

0 39

Durog na durog si Toni Gonzaga sa Twitter kaugnay sa interview niya kay dating senador Bongbong Marcos.

Hindi matanggap ng mga dilawan na binigyan ng oras, panahon ni Toni si Bongbong sa kanyang YouTube channel na “Toni Talks”.

Ayaw ng mga kontra sa mga Marcos na mabigyan ng exposure si Bongbong dahil sa posibleng pagtakbo nito sa 2022.

Isa sa mga nangunguna sa pagbatikos kay Toni ay si @JerryGracio.

“Dapat ipaalala kay Toni Gonzaga na si Marcos ang unang nagpasara sa ABS-CBN. At sa gitna ng laban ng mga Kapamilya Filipino sa sakit, sa korapsyon, sa kamatayan, ang pag-interview sa anak ng diktador ay facet na endorsement ng values na kinatawan ng pamilya ito…”

Dagdag pa sa kanyang tweet ang mga akusasyon ng paglabag sa human rights ng dating Presidenteng Ferdinand Marcos at asawa nitong si Imelda Marcos.

Heto naman ang birada ni @olibekulit: “Baka binayaran sya ng mga Marcoses para ma-interview. Pera-pera lang din labanan. Double kita niya, binayaran na sya, may kita pa sya sa YT. Di na uso prinsipyo.”

Sabi naman ni @sisaisagani: “Wala palang character development ang babaeng ito. Pakisabi sa ate mo…”

Dawit din pati mister na si direk Paul Soriano sa ngitngit ng mga dilawan. Sinabihang Marcos loyalist si direk Paul at pinakita ang throwback photo nila ni Toni na kasama si Bongbong.

Nakasulat ang @paulsoriano1017 @bongbongmarcos is our Vice President @bongbongmarcos #bbm4vp2016 #NinongNinang.

May mga nagtanggol naman kay Toni tulad ni @brokiieee: “Bagong series po sa channel niya yon since election na next year, kaya puro politiko.”

Walang pang mga kapwa niya artista ang bumanat kay Toni sa isyu.

Thea dusa sa online class

Saludo si Thea Tolentino sa mga estudyanteng nakasalang sa online class. Naranasan mismo ng aktres ang hirap ng online sa kinukuhang Japanese class.

“Nag-enroll ako sa Japanese online class every Saturday. Nagsimula yung class kaninang umaga at ang masasabi ko lang ay grabe, ang galing niyong mga nago-online class ngayon! Napakahirap nito. I can imagine the patience at pag-push niyo aa sarili para niyo para mag-focus.

“Isang subject lang ‘tong akin. Di ko nga nae-experience kahit 10% ng hirap nyo. Hopefully talaga soon, maging maayos na ang lahat! Kaya tara na’t magpabakuna, magpa-rehistro para bumoto mas mapabilis na maging maayos ang lahat. Stay safe!” sabi niya.

Yam inagaw ‘Billboard Queen’ title ni Heart sa NYC

Humahabol, at tila inaagawa na ni Yam Concepcion ang pagiging ‘Billboard Queen’ ni Heart Evangelista sa Time Square, New York.

Nakakatatlong advertisement, billboard na si Yam sa parehong ini-endorsong brand.

Nakabalandra sa Instagram ni Yam ang larawan ng bago niyang ad.

“My 3rd billboard in Times Square! Naks! Photo stolen from @neil_tandy,” sabi ni Yam.

Mababasa sa billboard ang pangalan ni Yam. At ang mismong nagpadala ng larawan sa kanya, ay ang photographer ng ad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.