Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dahil kay Aiko, Arnell na-banned sa GMA-7

0 54

Dahil sa paghanga sa kagandahan ni Aiko Melendez, na-banned sa GMA 7 si Arnell Ignacio, ha! At hindi naman pinagsisisihan ni Arnell `yon, at natatawa nga siya kapag naiisip `yon.

“A number of years ago, I got myself into a fix because of what I said on live TV with Aiko Melendez. After ng isang portion na nandun si Reese Witherspoon. Live nasabi ko kay Aiko, “Mas maganda ka naman diyan kay Reese noh!”

Hindi nga lang daw matandaan ni Arnell kung nabanggit niya noon na mahaba ang baba ni Reese.

“Kadaldalan ko endorser pala siya nung bumili noong portion. Hahahaha!

“Ayun na-banned ako sa show na ‘yun, pero tawa nang tawa ‘yung mga host na sina Joey (de Leon) at Manay Lolit (Solis),” say pa ni Arnell, na mukhang ang Startalk ang show na tinutukoy niya.

Pero `yun nga, walang pagsisisi si Arnell sa ginawa niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“But looking back my friend, I am glad I said that. From that day on, till today, I was never proven wrong!

“Nawala na ang ban. Nawala na ang show. Natapos na rin endorsement. Pero nandiyan ka pa rin na nanatiling maganda, at nagsasalita pa rin ako nang gusto kong sabihin, at naging tatak ko na ‘yan. Hahaha!” sambit ni Arnell.

At siyempre, sobrang happy naman si Aiko, kaya sabi niya…

“Awwwwww mahal kita. Hindi dahil sa papuri mo sa akin kundi dahil isa ka sa tunay na kaibigan. Na lagi ako pinapatawa at andyan ka lagi para sa akin. Love you.”

Oh, bongga, di ba? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.