Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dagupan mayor na-COVID

0 249

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease-19 (COVID-19) si Dagupan City, Pangasinan Mayor Marc Brian Lim, ayon sa Dagupan City-Public Information Office (DC-PIO).

Ayon sa DC-PIO, kinumpirma ito ni Lim sa pamamagitan ng social media page.

Sinabi ni Lim, bilang isang public servant at opisyal ng gobyerno, kinakailangang ipagbigay alam sa publiko na siya ay nagpositibo sa COVID-19 sa ngalan na rin ng transparency at full disclosure.

Aniya, noong nakaraang lingo, nagkaroon ito ng exposure sa isang COVID-19 positive kung kaya nagsagawa ito ng home quarantine.

Dagdag pa ni Lim, nagkaroon ng reactive result sa kanyang antigen test kung kayat agad na sumailalim sa RT-PCT test at kahapon (May 25) ay nakuha nito ang resulta na siya ay positibo sa nasabing virus. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.