Una sa Balita

Dagdag suweldo sa mga nurse tiyak na — Sen Go

0 292

TINIYAK ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na mabibigyan ng dagdag na suweldo at iba pang benepisyo ang mga nurse sa bansa.

Si Sen. Go na chairman ng Senate Committee on Health ay nagsabing ipaprayoridad niya ang kapakanan ng mga nurse sa bansa upang hindi na nila maisipang magtrabaho pa sa abroad.

“Malaki ang diperensiya ng suweldo sa abroad at dito, pero nais kong dito na kayo magtrabaho para hindi kayo malayo sa mga pamilya ninyo,” anang senador.

Sinabi ng mambabatas mula sa Davao City, idinepensa niya ang increase sa pondo ng Department of Health sa mga budget deli­beration upang matiyak ang kalidad at accessible na healthcare sa lahat ng Pinoy, at bantayan ang kapakanan ng mga health worker, kabilang ang mga nurse.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More