Una sa Balita

Dagdag singil sa tubig, panibagong pahirap

0 178

Nagpahayag ng pagka­bahala si dating Political Adviser Francis Tolentino sa tatlo hanggang limang piso pagtaaas ng singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water.

Sinabi ni Tolentino, panibagong dagdag na pasanin na naman ito sa mga consumer na dalawang water concessio­naire.

Matatandaan na ina­prubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System o MWSS noong nakaraang taon ang pagtataas ng singil sa tubig na Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Co. Inc.

Nabatid na magdaragdag ng 0.64 sentimos kada metro kubiko ang Manila Water samantalang sisingil ng karagdagang P1.48 kada metro kubiko ang Maynilad.
Nangangahulugan ito ng humigit kumulang tatlo hanggang limang pisong dagdag sa bayarin ng ating mga kababa­yan sa tubig kada buwan.

Ayon kay Tolentino, ang Local Water Utilities Administration (LWUA) at mga lokal na water districts ay may maitutulong din upang mapanatiling ‘stable’ ang presyo ng tubig sa mga lalawigan.

Subalit isang usapin din na makakaapekto sa isyung ito ang patuloy na pagsasapribado ng mga water district sa bansa upang diumano ay mas mapabuti ang serbisyo ng patubig.

Nanawagan si Tolentino sa publiko habang ang usapin sa pagtaas ng singil sa tubig ay patuloy pang pinag-aaralan at hinahanapan ng remedyong ligal, kinakailangan ibayong pagtitipid sa paggamit ng tubig ang dapat na gawin ng ating mga kababayan upang mapanatiling mababa ang kanilang konsumo sa tubig. (Juliet de Loza-Cudia)