Una sa Balita

Dagdag singil sa tubig ‘di makatarungan – Gabriela

By
0 2,587

KINONDENA ng grupong Gabriela Wo­men’s Party-list ang pamunuan ng Local Utility Water Admi­nistration o LOUWA sa plano nitong dagdag singil sa tubig.

Ayon sa grupong kababaihan, tututulan nila ang inaasahang pagtaas sa singil ng tubig.

Anila, hindi makatarungan ang plano ng LOUWA na dagdagan ang singil sa tubig lalo’t hindi naman nito napaghusay ang serbis­yo ng water company.

Nababahala rin ang grupong Gabriela sa epekto ng TRAIN Law na magbubunga sa posibilidad ng karagdagang singil sa tubig sa mga susunod na buwan.

Idinagdag pa ng grupo na patuloy ang kanilang gagawing ‘Black Friday’ protest laban sa TRAIN Law at iba pang isyu ng mamamayan.